- 配信日
- 2025年09月10日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT25-15]【Para sa mga magulang na gustong papasukin ang anak sa Nursery School at Kindergarten】
-
Sa Japan, ang mga batang 6 na taong gulang ay nagsisimulang pumasok sa elementarya sa Abril, ngunit bago iyon, maaari silang pumasok sa Nursery School o sa Kindergarten.
Ang Nursery School ay para sa mga batang 0 hanggang 6 na taong gulang, at ang Kindergarten ay para sa mga batang 3 hanggang 6 na taong gulang.
Sa Japan, karamihan ng mga bata ay pumapasok sa Nursery School o sa Kindergarten bago pumasok sa elementarya.
Kung nagpapalaki kayo ng inyong mga anak sa Japan, bakit hindi subukang ipasok sa Nursery School o sa Kindergarten?
May mga leaflet na nagpapaliwag tungkol dito sa iba’t-ibang wika.
https://www.kifjp.org/child/supporters#hoiku
(Chinese, Vietnamese, Espanyol, Portuges, Ingles)
Sa bandang Oktubre magsisimula na ang aplikasyon para sa mga gustong ipasok ang anak sa Nursery School o sa Kindergarten sa Abril ng susunod na taon.
Bago mag-apply, mas mabuting bisitahin muna ang Nursery o Kindergarten na gusto ninyong pasukan ng inyong anak.
Magkaiba ang panahon ng aplikasyon depende sa kung saan ka nakatira, kaya’t mangyaring sumangguni sa tanggapan ng lokal na pamahalaan sa inyong lugar.
Kung kailangan ng interpreter, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t-Ibang Wika sa Kanagawa” nang maaga.
Libre ang interpretasyon sa telepono.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/
Libre ang bayad sa Nursery School at Kindergarten para sa mga klase mula 3 taong gulang pataas.
※ Magiging libre ang bayad sa Nursery School mula Abril 1 pagkatapos ng ikatlong taong kaarawan ng bata. Libre ang bayad sa Kindergarte kung mag-enroll pagkatapos ng ikatlong taong kaarawan ng bata (subalit may limitasyon na hanggang 25,700 yen kada buwan).
https://www.cfa.go.jp/policies/kokoseido/mushouka/about/
(Wikang Hapon, Chinese, Espanyol, Portuges, Ingles, South at North Korean)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
