- 配信日
- 2025年12月19日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT25-25]【Malapit na Matapos ang Taong 2025】
-
Anong uri ng taon ang 2025 para sa inyo?
Nais naming ipaalam sa inyo ang mga bagay na dapat tandaan sa pista opisyal sa katapusan at sa umpisa ng taon.
●Pagsusuri sa ospital
Sarado ang mga ospital tuwing pista opisyal sa katapusan at sa umpisa ng taon.
Siguraduhin na mayroon kayong sapat na gamot na tatagal hanggang sa susunod na check-up, at alamin din kung saan ang ospital na bukas o mapupuntahan ninyo kapag biglang magkaroon ng karamdaman.
● Mag-ingat sa mga nakahahawang sakit
Sa taglamig, mas madaling kapitan ng mga sakit tulad ng Influenza, ubo’t sipon, pulmonya, gastroenteritis, at iba pa.
Magsuot ng mask kapag lalabas, at huwag kalimutang magmumog at maghugas ng kamay.
Gayundin, siguraduhing sapat ang tulog at kain.
● Mag-ingat sa mga aksidente sa daan
Dumarami ang nagmamaneho sa katapusan at umpisa ng taon.
Nagmamaneho ka man o hindi, mangyaring mag-ingat sa mga aksidente sa daan.
● Iwasan ang labis na pagkain at pag-inom
Madalas umiinom at kumakain ang mga tao sa mga year-end party at mga new year party.
Mag-ingat sa biglaang pagkalason sa alkohol na dulot ng sobrang pag-inom ng alak, food poisoning, at mga viral infection.
Maraming salamat sa inyong suporta ngayon taon.
Manigong Bagong Taon!
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
