- 配信日
- 2015年02月23日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT14-50]Mangyaring palitan na ang Alien Registration Card ng Residence Card
-
Ang bagong sistema ng pamamahala ng mga residente sa Japan ay ipinatupad mula Hulyo 9, 2012.
Para sa mga medium / long-term residents, mula sa araw ng pagpapatupad ng bagong sistema ng pamamahala, kinakailangang mag-aplay sa loob ng 3 taon upang magkaroon ng residence card (para sa mga wala pang 16 taong gulang, bago dumating ang petsang kung alinman ang mauuna sa sumusunod: 3 taon mula sa pagpapatupad o ika-16 na kaarawan). Mangyaring mag-aplay sa Immigration office na malapit sa inyo. O sumangguni na lamang sa sumusunod na sanggunian para sa karagdagang impormasyon.
■Sanggunian:
Immigration Information Center (Weekdays: 8:30~17:15)
Wika: Intsik, Espanyol, Ingles, Koreyano
TEL: 0570-013904(IP Tel・PHS・mula sa ibang bansa: 03-5796-7112)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-