配信日
2017年10月12日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-30]Impormasyon tungkol sa Iskolarship
□Advance Application sa Iskolarship para sa Senior High School sa Prepektura ng Kanagawa (Sa Nobyembre mag-sisimula ang pag-aaplay)

Ang mga nais mag-aral sa senior high school na nangangailangan ng suportang pananalapi ay maaring makahiram sa pamamagitan ng iskolarship.
(Kailangang bayaran ang suportang pananalapi o iskolarship na ito matapos maka-graduate sa senior high school.)
Ang mga estudyante sa ika-3 baytang ng junior high school na nais ipagpatuloy ang pag-aaral sa senior high school
ay maaring mag-aplay nang maaga (advance application) para sa suportang pananalapi o iskolarship na kakailanganin sa pag-aaral sa senior high school.
Maari ring mag-aplay kahit nag-aaral na sa senior high school, ngunit mas mapapabilis nang 2 buwan ang pagtanggap ng suportang pananalapi
kapag natapos ang aplikasyon habang nasa junior high school pa lamang.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang sumusunod na website (Wikang Hapon).
(Wikang Hapon) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f324
TEL: 045-210-8251 (Wikang Hapon)
Kanagawa Pref. Board of Education Finance section

Iba pang impormasyon:
※Mangyaring sumangguni sa bawat organisasyon tungkol sa huling araw ng aplikasyon at iba pang mga detalye.

□Programa para sa Suporta sa Pamumuhay
Sino ang maaaring mag-aplay: estudyante sa senior high school, vocational school, junior college, unibersidad, ika-3 baytang sa junior high school
na magpapatuloy ng pag-aaral sa senior high school
Petsa ng Pag-aplay: Nov.1, 2017~Jan.5, 2018
(Wikang Hapon) http://support21.or.jp/needsupport/scholarship-seikatsu/
Support 21 Social Welfare Foundation

□Japan Student Services Organization
Sino and maaring mag-aplay: estudyante sa graduate school, unibersidad, junior college, technical school, vocational school
(Wikang Hapon, Ingles) http://www.jasso.go.jp/index.html

□Impormasyon tungkol sa Iskolarsip para sa dayuhang estudyante:
(Wikang Hapon) http://www.ifsa.jp/index.php?shogakukin1
NPO International Foreign Student Association

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ