- 配信日
- 2023年04月25日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-03]【Alam `nyo ba ang tungkol sa pensyon?】
-
Ang pampublikong pensyon sa Japan ay isang sistema na binuo upang suportahan ng isa’t-isa ang kabuhayan ng mga taong may edad na, nagkaroon ng kapansanan dahil sa aksidente o sa sakit, o nawalan ng mga tagapagtaguyod ng pamilya.
Ang website ng Japan Pension Service ay may pahina para sa mga dayuhan na maaring basahin ang mga paliwanag at balita tungkol sa pension.
Ang sistema ng social insurance at bayad sa lump-sum withdrawal (pera na matatanggap kapag aalis ng Japan) ay ipinapaliwanag din sa iba’t-ibang wika.
Mangyaring tingnan sa sumusunod na link para sa mga detalye.
https://www.nenkin.go.jp/international/index.html
Maaaring tumawag sa telepono para magtanong tungkol sa pensyon.
Mga suportadong wika (Ingles, Chinese, Korean, Portuguese, Espanyol, Tagalog, Vietnamese, Indonesian, Thai, Nepali)
Oras ng pagtanggap: 8:30 AM hanggang 5:15 PM (Lunes hanggang Biyernes)
■Maliban sa mga public holiday at bakasyon sa katapusan at simula ng taon (Disyembre 29 hanggang Enero 3)
Mangyaring tingnan sa sumusunod na link para sa mga detalye.
https://www.nenkin.go.jp/international/index.files/02.pdf
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
