- 配信日
- 2023年05月11日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-04]【Tumaas ang Lump-sum Grant ng Panganganak at Pangangalaga sa Bata】
-
Mula Abril 2023, tumaas ang Lump-sum Grant ng Panganganak at Pangangalaga sa Bata, “SHUSSAN IKUJI ICHIJIKIN”.
Ang bagong halaga ay 500,000 yen bawat bata.
Ang Lump-Sum Grant ng Panganganak at Pangangalaga sa Bata ay perang maaring matanggap ng buo mula sa pampublikong health insurance sa panganganak. Kahit anumang pampublikong health insurance ang inyong sinasalihan, pareho ang halagang matatanggap.
Ang Lump-Sum Grant ng Panganganak at Pangangalaga sa Bata ay binibigay sa mga buntis paglampas ng 4 na buwan (85 araw) ng pagbubuntis, o sa mga nanganak na.
Mangyaring magtanong sa ospital kung saan manganganak, ukol sa paraan ng pag-apply at pagtanggap ng Lump-Sum Grant ng Panganganak at Pangangalaga sa Bata. Sa mga nangangailangan ng tagasalin-wika, mangyaring tawagan ang Gabay sa Iba’t-Ibang Wika sa Kanagawa sa 045-316-2770.
https://www.kifjp.org/kmlc
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
