- 配信日
- 2023年05月25日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-06]【Makakatanggap ng Abiso Tungkol sa Resident Tax】
-
Pagdating ng Hunyo, may mga makakatanggap ng abiso tungkol sa resident tax mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang pinaninirahan.
Ang resident tax ay isang buwis na dapat bayaran ng kahit mga dayuhan hangga’t mayroon silang address sa Japan sa ika-1 ng Enero at nakakatanggap ng sahod na mas mataas sa tiyak na halaga o iba pang kita.
Kung hindi mababayaran ang dapat bayarin na resident tax, maaaring hindi ma-aprubahan ang aplikasyon sa pag-extend ng status of residence.
Ang halaga ng babayran ay base sa sahod na natanggap mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre ng nakaraang taon.
May 2 paraan upang bayaran ang resident tax.
①Bawas sa sahod (espesyal na koleksyon)
Ibabawas muna ng kumpanya ang resident tax mula sa inyong sahod at ibabayad ito sa tanggapan ng lokal na pamahalaan. Ito ang patakaran para sa mga taong nagtatrabaho sa isang kumpanya, at hindi kailangang magbayad ng sariling resident tax sa tanggapan ng lokal na pamahalaan.
②Sariling pagbabayad (ordinaryong koleksyon)
Tuwing buwan ng Hunyo ng bawa’t taon, nagpapadala ang munisipyo ng liham (payment slip) tungkol sa resident tax na babayaran ng mga residente. Dalhin ang payment slip na ito at ang halagang nakasulat, at bayaran sa isang bangko o institusyong pinansyal.
Ang mga taong nagpasyang umalis sa kumpanya o mga taong nagpaplanong umalis sa Japan ay kailangang siguraduhin na gawin ito.
Kung mayroon kayong pag-aalala o hindi naintindihan, sumangguni sa lokal na pamahalaan ng inyong pinaninirahan.
Wikang Hapon https://www.city.kashiwa.lg.jp/documents/994/1-1nihonngo.pdf
Ingles https://www.city.kashiwa.lg.jp/documents/994/1-2eigo.pdf
Chinese https://www.city.kashiwa.lg.jp/documents/994/1-3tyuugokugo.pdf
Vietnamese https://www.city.kashiwa.lg.jp/documents/994/1-4betonamugo.pdf
Portuges https://www.city.kashiwa.lg.jp/documents/994/1-5porutogarugo.pdf
(Pinagmulan: Ministry of Internal Affairs and Communication)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
