- 配信日
 
                - 2023年07月13日
 
                - 配信先グループ
 
                - Tagalog
 
            
                        
                         - [IKT23-10]【Mga Pista ng Fireworks】
 
                - 
                Narito ang impormasyon tungkol sa mga pista ng fireworks sa Prepektura ng Kanagawa. Kapag masama ang panahon, maaaring gaganapin sa ibang araw o ikansela. Mangyaring tingnan ang website. Dumadagsa ang napakaraming tao. Kaya, pumunta sa pamamagitan ng tren o kaya ay bus.
■ Fireworks sa Baybayin ng Hayama
ika-25 ng Hulyo (Martes) 7:30 p.m. hanggang 8:10 p.m. 
Kung umulan ay sa susunod na araw gaganapin.
Lugar: Sa Baybayin ng Morito, dalampasigan ng Isshiki
Direksyon: Mula sa JR Zushi Station, sumakay sa bus ng 10 minuto. Bumaba sa “Morito Kaigan”, at maglakad ng 1 minuto.
■ Fireworks sa Sakawagawa sa Odawara
Ika-5 ng Agosto (Sabado) 7:10 p.m. hanggang 8:00 p.m. Kanselado kapag umulan.
Lugar: Sakawagawa Sports Square
Direksyon: Mula sa JR Kamonomiya Station ay 15 minutong lalakarin. O kaya ay 20 minutong lalakarin mula sa JR Odawara Station.
■ Fireworks sa “Noryo Matsuri” sa Baybayin ng Miura
Ika-8 ng Agosto (Martes) 7:30 p.m. - Kapag umulan ay sa ika-9 ng Agosto gaganapin.
Lugar: Baybayin ng Miura
Direksyon: 5 minutong lalakarin mula sa “Miura Kaigan Station” ng Keihin Kyuko
■ Fireworks sa Kanazawa Matsuri
Ika-26 ng Agosto (Sabado) 7:00 p.m. - 8:00 p.m.
Lugar: Umino Koen (Marine Park)
Direksyon: Malapit lang mula sa Seaside Line “Umino Koen Minamiguchi Station”, “Umino Koen Shibaguchi Station”, o kaya ay sa “Hakkeijima Station”.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”. 
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito. 
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
                - 
            
  
            