- 配信日
- 2023年10月06日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-20]【Para sa mga nais gumamit ng nursery school o kindergarten】
-
●Sa Japan, mayroong dalawang uri ng pasilidad na maaaring pasukan ng bata bago pumasok sa mababang paaralan.
Karamihan ng mga bata sa Japan ay pumapasok sa nursery school o kindergarten.
Kung nagpapalaki ka ng bata sa Japan, mangyaring pag-isipan ang tungkol sa pagpapasok ng iyong anak sa isa sa mga pasilidad na nabanggit.
Maraming mga magagandang ibubunga ang pagpapapasok ng anak sa nursery school o sa kindergarten.
https://www.kifjp.org/child/wp-content/uploads/2023/02/eng_2023_leaflet_A4.pdf
● Mangyaring magpatala ang mga nagnanais ipasok ang kanilang anak sa nursery school o kindergarten sa susunod na Abril.
Ang aplikasyon ay magsisimula sa mga buwan ng Oktubre o Nobyembre, depende sa inyong tinitirahang munisipalidad.
Mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na pamahalaan.
Kung kailangan ng tagasalin-wika, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t Ibang Wika sa Kanagawa” nang maaga, para makipag-arrange ng interpretasyon sa telepono nang libre.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/
●Ang mga klase sa mga nursery school at kindergarten ay libre para sa mga batang 3 hanggang 5 taong gulang.
※Libre ang nursery school simula Abril 1 pagkatapos ng ikatlong taong kaarawan ng bata. Libre ang kindergarten kung nagpatala pagkatapos ng ikatlong taong kaarawan ng bata (may buwanang limit na 25,700 yen).
https://www8.cao.go.jp/shoushi/shinseido/musyouka/about/index.html
(Wikang Hapon, Ingles, Chinese, South/North Korean, Portuges, Espanyol)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
