- 配信日
- 2023年10月11日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-21]【Mag-ingat sa mga Shady o Ilegal na Part-time Job】
-
Ang trabahong tinatawag na “YAMI BAITO” o shady parttime job ay hindi isang ordinaryong part-time na trabaho, kundi ito ay krimen.
Kapag nag-apply kayo sa “YAMI BAITO”, mapipilitang kayong gumawa ng pandaraya (budol-budol), pagnanakaw (hold-up), atbp.
Kayo ang huhulihin at mapaparusahan.
Ang mga sumusunod na “arubaito” o part-time job ay maaaring “YAMI BAITO”.
Huwag na huwag na mag-aplay sa mga ganito.
・Masyadong mataas ang sweldo para sa nilalaman ng trabaho
・Hindi malinaw ang nilalaman ng trabaho
・Kailangan mong ipadala ang iyong driver’s license at litrato
・Kailangan mong gumamit ng apps na hindi ninyo kilala
Kung nag-aplay na kayo sa isang “YAMI BAITO”, kumunsulta agad sa pulis.
Police Consultation Desk: #9110
Kung kailangan ang interpreter, tumawag sa Gabay sa Iba’t-Ibang Wika sa Kanagawa
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
