- 配信日
- 2023年11月21日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-25]【Kapag Lilipat ng Paupahang Bahay】
-
Kapag aalis kayo sa inuupahang bahay, kailangang ipaayos ang anumang bahagi ng silid na iyong nasira o napinsala.
Ito ay tinatawag na pagpapanumbalik sa orihinal na estado, o “GENJŌ KAIFUKU”.
May mga babasahin na nakasulat sa iba’t ibang wika na nagpapaliwanag tungkol sa “GENJŌ KAIFUKU”.
Pag binasa ninyo ang mga ito, malalaman kung ano ang mga dapat pag-ingatan bago umupa, habang umuupa, at kapag aalis na sa pinauupahang bahay.
Mangyaring tingnan kung kayo ay nangungupahan o nagpaplanong umupa ng bahay.
〇Nilalaman ng babasahin
・Tungkol sa mga bayaring sisingillin kapag aalis
・Sino ang dapat sasagot sa gastos sa pagpapa-ayos sa nasira o napinsalang bahagi ng paupahang bahay
・Mga bagay na dapat pag-ingatan sa paggamit ng paupahang bahay
Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism “Mga puntos na ibabalik sa orihinal na estado kapag aalis na ng paupahang bahay”
https://www.mlit.go.jp/jutakukentiku/house/content/001595151.pdf
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
