- 配信日
- 2024年01月10日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-30]【Mga Gagawin Kapag Lilipat ng Tirahan】
-
Mangyaring magsumite ng Abiso sa Pagbabago ng Address, “TENKYO-TODOKE” sa post office.
Kapag nakasumite ng tenkyo-todoke, ang mga sulat at parsela na naka-address sa inyong lumang address ay ihahatid sa inyong bagong address sa loob ng isang taong mula sa petsa ng pagsumite ng tenkyotodoke.
Mayroong 3 paraan ng pagsumite ng tenkyotodoke.
①Magsumite ng tenkyotodoke sa pamamagitan ng Internet (e-tenkyo)
https://welcometown.post.japanpost.jp/etn/
②Humingi ng tenkyotodoke sa post office, punan at ihulog sa postal box.
③Punan ang tenkyotodoke sa post office at isumite sa counter.
Kinakailangan ang mga dokumentong pagkakakilanlan o ID sa alinmang paraan na nakasaad sa itaas.
Ihanda ang inyong driver’s license, My Number card, o residence card, atbp.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
