配信日
2024年06月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-08]【「Tulong Pinansyal sa Pag-aaral sa Mataas na Paaralan」】
May sistema ang pamahalaan ng Japan na magbigay ng tulong sa matrikula ng mga pumapasok sa pampubliko o pribadong mataas na paaralan. Ang mga pasok sa kategorya sa sistemang ito ay mababawasan ang bayad sa matrikula. Kung pampublikong mataas na paaralan ang pinapasukan, magiging libre ang matrikula.
Ito ay hindi kailangang ibalik o bayaran.

Kailangang mag-apply upang magamit ang sistema na ito.
Ang aplikasyon ay maaaring gawin online o sa pamamagitan ng pagpasa ng application form.
Mangyaring magtanong sa pinapasukang mataas na paaralan tungkol sa mga detalye.
Narito ang link sa multilingual na bersion ng dokumento. Mangyaring basahin ito. (Para sa pampublikong mataas na paaralan.)
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f533732/tagengo.html 
※Ang multilingual na bersyon ay para sa nakaraang taon. Ang edisyon para sa taong ito ay ipo-post kapag ito ay nalikha na.

Para kanino: Para sa mga mag-aaral na ang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa sa 9.1 M yen.
※Ang halagang ito ay isang gabay lamang. Depende sa sitwasyon, maaari ring ma-aprubahan kahit na sobra sa 9.1M ang taunang kita ng iyong sambahayan.
Saan mag-apply: Mataas na paaralan na pinapasukan, atbp.

Kailangang mag-apply bago ang deadline.
Mangyaring magtanong sa tanggapan ng paaralang pinapasukan para sa mga detalye.

Bilang karagdagan, kahit na hindi pasok sa kategoryang nakalagay sa itaas, maaari pa ring makatanggap ng tulong kapag bumaba ang kita dahil sa biglaang pagbabago sa pananalapi ng sambahayan.
Kabilang sa mga dahilan ng biglaang pagbabago sa pananalapi ng sambahayan ay ang hindi nakapagtrabaho sa loob ng 90 araw o higit pa dahil sa pagpapagamot dulot ng pinsala o sakit, pagkatanggal sa trabaho dahil sa sitwasyon ng kumpanya, o pag-alis sa trabaho dahil sa pagbubuntis, panganganak, at pangangalaga ng bata.
Kailangan mag-sumite ng aplikasyon, kaya’t mangyaring makipag-ugnayan sa paaralan.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ