- 配信日
- 2024年06月18日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-09]【Tungkol sa Tag-ulan】
-
Maulan sa Japan mula Mayo hanggang Hunyo.
Ang tawag sa panahon na ito ay tag-ulan, o “TSUYU” .
Ang Hokkaido at ang mga isla sa Ogasawara ay walang tag-ulan.
Tumataas ang humidity o halumigmig sa tag-ulan.
Madalas na linisin ang banyo at kusina dahil mabilis aamagin ang mga lugar na ito.
Maganda rin maglagay ng dehumidifier sa aparador at sa kabinet ng sapatos.
Nakakatulong magdala ng payong na natitiklop kapag lalabas sa panahon ng tag-ulan.
Pagkatapos ng tag-ulan, darating naman ang panahon ng bagyo.
Mangyaring mag-ingat dahil dumarami ang mga sakuna na dulot ng bagyo sa mga nakaraang taon.
May mga leaflet tungkol sa mga dapat pag-ingatan sa panahon ng bagyo at malakas na pag-ulan.
Mababasa ito sa iba't-ibang wika.
https://www.kifjp.org/shuppan/multi#bousait
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
