- 配信日
- 2024年07月26日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-13]【Tungkol sa Multilingual Support (Gabay sa Iba’t-ibang Wika) sa Panahon ng Sakuna】
-
Kapag nagkaroon ng sakuna sa Prepektura ng Kanagawa gaya ng malakas na lindol, itatatag ang “Kanagawa Prefecture Disaster Multilingual Support Center”
Ang sentrong ito ay magkasamang patatakbuhin ng Prepektura ng Kanagawa at ng Kanagawa International Foundation.
Ang mga taong dumaranas ng sakuna ay maaaring sumangguni sa sentro na ito, gamit ang iba’t-ibang wika.
Bilang karagdagan, ang sumusunod na website ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa iba’t-ibang wika.
“Website ng impormasyon sa multilingual na support sa panahon ng sakuna”
https://www.kifjp.org/disaster/
Bukod sa lindol, may mga website na nagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa paghahanda para sa sakuna tulad ng malakas na ulan at bagyo.
“Impormasyon sa Iba’t-ibang Wika Tungkol sa Sakuna”
https://www.kifjp.org/shuppan/multi
Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang sakuna.
Maging handa araw-araw sa mga sakuna sa pamamagitan ng pag-alam kung saan ang evacuation center, at iba pa.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
