- 配信日
- 2024年08月05日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-14]【Mag-ingat sa Aksidente sa Tubig】
-
Ang ilog ay isang masayang lugar, ngunit tandaan na may panahon na ito ay napaka-mapanganib.
Siguraduhin na ligtas kapag maglalaro sa tabi ng ilog, sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa lagay ng panahon at daloy ng tubig sa ilog.
Kadalasan may karatula sa tabi ng ilog na may tagubilin tungkol sa pag-iingat sa paglalaro sa ilog. Mangyaring basahin ito nang mabuti bago maglaro.
Mga palatuntunan na dapat sundin sa paglalaro sa ilog
・Dahil hinaharap mo ay kalikasan, kaya’t palaging mag-ingat at protektahan ang sarili.
・Kapag maglalaro sa ilog, siguraduhin na may kasama, at palaging magbigay-pansin para ligtas ang bawa’t isa.
・Bago maglaro sa ilog, magmasid muna sa kalagayan ng lugar. At habang naglalaro, magpatuloy na obserbahan ang lagay ng panahon at ng agos ng ilog.
・Magsuot ng life jacket nang maayos.
・Magsuot ng damit na pwedeng mabasa at madaling matuyo.
・Magsuot ng sapatos na hindi madaling matanggal kahit na mabasa tulad ng water shoes. Ang tsinelas o flip flops ay mapanganib dahil madaling matanggal.
Lumikas agad kapag nangyayari ang mga sumusunod (Dahil mapanganib ang mga ganito at maaaring biglang tataas ang tubig ng ilog):
・Kapag may maitim na ulap sa langit sa direksyon ng pinanggalingan ng daloy ng tubig
・Kapag may nadadalang mga dahon, sanga o punong kahoy, at mga basura sa agos ng tubig
・Kapag nag-umpisa ang pag-ulan
・Kapag may narinig na kulog
Huwag na huwag sumilong sa ilalim ng tulay kapag umuulan!
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
