- 配信日
- 2024年09月12日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-21]【Ang written exam para sa lisensya sa pagmamaneho ay maaari na ngayong kunin sa 20 wika】
-
Maaari na ngayong kumuha ng written exam para sa lisensya sa pagmamaneho sa 20 wika.
Ang written exam ay isang pagsusulit tungkol sa mga pamamaraan at batas sa pagmamaneho.
Mga wikang maaaring gamitin:
Arabic, Indonesian, Ukrainian, Urdu, Ingles, Korean, Khmer, Sinhala, Espanyol, Thai, Tagalog, Chinese, Nepali, Hindi, Vietnamese, Persian, Portuges, Burmese, Mongolian, at Ruso
Uri ng mga lisensya na maaaring kumuha ng written test:
●Class 1 Driving License: pagmamaneho ng kotse at scooter
●Class 2 Driving License: pagmamaneho ng pampasaherong sasakyan tulad ng bus o taxi, at pagmamaneho ng ordinaryong kotse para sa ibang tao (bilang drayber)
●Provisional Driving License: kapag ang taong gustong makakuha ng Class 1 License ay magmamaneho para sa pagsasanay, atbp.
Mangyaring tandaan na ang written exam para sa pagmamaneho ng scooter ay isinasagawa sa Wikang Hapon at Ingles lamang.
Kung nais na kumuha ng exam sa wikang dayuhan, mangyaring ipaalam sa reception sa panahon ng pag-aaplay.
Sa Prepektura ng Kanagawa, sa Driver’s License Center makukuha ang exam para sa lisensya sa pagmamaneho.
Ito ay 15-minutong lakad mula sa Futamatagawa Station ng Sotetsu Line.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
