配信日
2024年10月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-27]【Pandagdag na Scholarship (Supplemental Scholarship Fund) para sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan sa Prepektura ng Kanagawa】
Ang pandagdag na scholarship para sa mag-aaral sa mataas na paaralan ay benepisyo na maaaring gamitin para sa mga gastusin sa edukasyon maliban sa bayad sa tuition.
Hindi ito kailangang bayaran o isauli.

Mga maaaring mag-apply (mga sambahayan na nakakatugon sa lahat ng kondisyon sa sumusunod):
● Ang magulang o tagapag-alaga ay dapat may address sa loob ng Prepektura ng Kanagawa.
● Sambahayan na tumatanggap ng pampublikong tulong pinansyal sa pamumuhay o exempted sa pagbabayad ng resident tax ayon sa income.
● Ang mag-aaral ay naka-enroll sa mataas na paaralan.

Deadline ng aplikasyon: hanggang sa Biyernes, ika-13 ng Disyembre, 2024

Mangyaring tingnan sa website para sa paliwanag sa iba’t-ibang wika.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/gaikokugo.html

Iba ang paraan ng aplikasyon para sa mag-aaral sa pribadong mataas na paaralan.
Ang aplikasyon ay dapat dumaan sa paaralan kaya’t makipag-ugnayan sa paaralang pinapasukan.
Ang deadline ng aplikasyon ay sa Biyernes, ika-15 ng Nobyembre, 2024.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ