- 配信日
- 2024年11月08日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-28]【Ilegal ang pagbibisikleta habang gumagamit ng smartphone o nakainom ng alak!】
-
Tumataas ang bilang ng mga nakamamatay at malubhang aksidente na dulot ng pagbibisikleta habang gumagamit ng smartphone.
At binago ang Road Traffic Act.
① Huwag gamitin ang smartphone habang nagbibisikleta.
Ipinagbabawal ang paghawak ng smartphone at iba pang device sa kamay at makipag-usap sa telepono o tumingin sa screen habang nagbibisikleta.
Ngunit hindi ito ipinagbabawal kung nakatigil ang bisikleta.
Ang lumabag: makukulong ng hanggang 6 na buwan o magmumulta ng hanggang 100,000 yen.
Kung nakapagdulot ng panganib sa trapiko: Pagkakulong ng hanggang 1 taon o multang hanggang 300,000 yen.
② Pagbibisikleta nang nakainom ng alak
Ipinagbabawal ang pagbibisikleta nang nakainom ng alak.
Hindi mahalaga kung gaano kakaunti ang ininom.
Huwag magpahiram ng bisikleta sa taong nakainom ng alak.
Ang nagbigay ng alak sa mga taong nagbabalak magbisikleta, at ang mga taong umangkas sa bisikleta na ang nagbibisikleta ay nakainom ng alak ay kasama rin sa mapapatawan ng parusa.
Ang lumabag: makukulong ng hanggang 3 taon o magmumulta ng hanggang 500,000 yen.
Ang taong nagpahiram ng bisikleta: makukulong ng hanggang 3 taon o magmumulta ng hanggang 500,000 yen.
Ang nagbigay ng alak at ang umangkas sa bisikleta: makukulong ng hanggang 2 taon o magmumulta ng hanggang 300,000 yen.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-