配信日
2024年11月22日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-30]【Pagbabago sa “Allowance ng Bata”】
Pinalawak ang nilalaman ng “allowance ng bata”.
Ang mga pagbabago ay ang 4 na nakasaad sa ibaba.

● Pinalawig ang makatatanggap ng allowance hanggang sa high school ang mag-aaral.
Ang kasalukuyang nakatatanggap ng “allowance ng bata” ay hanggang makatatapos sa junior high school ang bata, ngunit ang panahon na makatatanggap ng allowance na ito ay binago hanggang siya ay makatatapos sa high school.
※ Kahit na hindi nag-aaral sa high school, ang allowance na ito ay matatanggap hanggang sa katapusan ng fiscal year kung kailan ang bata ay 18 taong gulang.
● Tataas ang halaga ng matatanggap na allowance para sa anak na ikatlo at pataas
・・・15,000 yen kada buwan para sa batang wala pang 3 taong gulang (30,000 yen kada buwan para sa ikatlong anak pataas)/10,000 yen kada buwan para sa mga batang 3 taong gulang hanggang high school (30,000 yen kada buwan para sa ikatlong anak pataas)

● Pagtanggal ng limitasyon sa kita
● Binago ang panahon ng pagbibigay ng allowance sa 1 beses kada 2 buwan
・・・Dati, ang allowance ay ibinibigay 3 beses sa isang taon o bawa’t bigay ay para sa apat na buwan, ngunit ngayon ay ibibigay na ito ng 6 na beses sa isang taon o bawa’t bigay ay para sa 2 buwan.

Ang mga nakatutugon sa sumusunod na kondisyon ay kailangang dumaan sa mga kinakailangan pamamaraan sa lokal na tanggapan ng pamahalaan.
・Mga hindi nakatanggap ng allowance dahil sa dating limitasyon sa kita
・Ang mga anak ay nasa high school at kasalukuyang hindi tumatanggap ng allowance ng bata
・Kasalukuyang tumatanggap ng allowance ng bata ngunit may iba pang anak na estudyante sa high school
・May 3 o higit pang mga anak at ang panganay na anak ay nasa pagitan ng edad na 18 at 22, at ang mga magulang pa rin ang sumasagot sa pinansyal na pasanin at mga gastusin sa pamumuhay niya.

Kung kailangang mag-apply, mangyaring sundin ang mga tagubilin na ipinadala ng tanggapan ng pamahalaan at mag-apply bago ang deadline.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ