- 配信日
- 2025年01月23日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-34]【Para sa mga Pamilyang may Anak na nasa Ikatlong Taon sa Junior High School】
-
Ang pagsusulit para makapasok (entrance exam) sa high school ay gaganapin sa Pebrero.
Upang makakakuha ng pagsusulit, mag-apply online.
Ang mga mag-aaral sa pambansa, pampubliko, o mga pribadong junior high school,
ay sa kanikanilang paaralan magpaparehistro sa “Sistema ng Aplikasyon sa Internet” at doon din mag-apply sa high school.
Ito ang iskedyul para sa SY2025.
Aplikasyon: Huwebes, ika-23 ng Enero - Miyerkules, ika-29 ng Enero ※Sistema ng Aplikasyon sa Internet
Pagbabago ng Aplikasyon: Martes, ika-4 ng Pebrero - Huwebes, ika-6 ng Pebrero ※Sistema ng Aplikasyon sa Internet
Pagsusulit: Biyernes, ika-14 ng Pebrero
Anunsyo ng Resulta: Biyernes, ika-28 ng Pebrero ※ Sistema ng Aplikasyon sa Internet
Para sa mga detalye tungkol sa paraan ng pag-aapply at pagkuha ng pagsusulit, mangyaring magtanong sa inyong guro sa paaralan.
Mayroon ding guidebook na nakasulat sa iba’t-ibang wika tungkol sa pagpasok sa pampublikong paaralan.
Mangyaring tingnan dito ang mga detalye:
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/dc4/nyusen/nyusen/nihongobogo.html
(Ingles, Chinese, Espanyol, Portuges, Tagalog, South at North Korean, Thai, Cambodian, Nepali, Vietnamese)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
