- 配信日
 
                - 2025年04月11日
 
                - 配信先グループ
 
                - Tagalog
 
            
                        
                         - [IKT25-2]【Mag-ingat sa mga Shady o Ilegal na Part-time Job 】
 
                - 
                Ang “YAMI BAITO” o Shady Part-time Job ay isang krimen.
Kapag nag-apply kayo sa “YAMI BAITO”, mapipilitan kayong gumawa ng pandaraya, pagnanakaw, atbp.
Kayo ang huhulihin at mapaparusahan.
Ang mga sumusunod na “arubaito” o part-time job ay maaaring “YAMI BAITO”.
Huwag na huwag mag-apply sa mga ganito kahit na nakita ito sa social media o sa internet.
・Masyadong mataas ang sweldo para sa nilalaman ng trabaho
・Hindi malinaw ang nilalaman ng trabaho o kung ano talaga ang papagawa sa inyo
・Kailangang mong ipadala ang iyong driver’s license at litrato
・Kailangan mong gumamit ng apps na hindi mo kilala
Kung napa-apply na kayo sa isang “YAMI BAITO”, kumunsulta agad sa pulis.
Police Consultation Desk: #9110
Kung kailangan ng interpreter, tumawag sa Gabay sa Iba’t-ibang Wika sa Kanagawa
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”. 
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito. 
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
                - 
            
  
            