- 配信日
- 2025年08月05日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT25-12]【Gabay sa Pagpasok sa Senior High School 】
-
Gaganapin ang isang sesyon ng “Gabay sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan o Senior High School”. Ito ay para sa mga mag-aaral na gustong pumasok sa mga pampublikong senior high school sa Prefectura ng Kanagawa, at para din sa kanilang mga magulang.
Libre ang pagsali.
Magyaring magpa-reserve kung nais na sumali.
● Petsa at Lugar
Setyembre 15 (Lunes) Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki, Lungsod ng Kawasaki
Setyembre 23 (Martes) Nishi-koukaidou, Lungsod ng Yokohama
Oktubre 5 (Linggo) Shibuya Junior High School, Lungsod ng Yamato
Oktubre 13 (Lunes) City Plaza (6F) Science Hall 250, Lungsod ng Atsugi
Oktubre 19 (Linggo) Kouyou Junior High School, Lungsod ng Hiratsuka
Oktubre 26 (Linggo) Sagamihara International Lounge, Lungsod ng Sagamihara
● Paraan ng Reserbasyon
Mangyaring tingnan sa website na ito.
https://hsguide.me-net.or.jp/
Para sa mga nangangailangan ng interpreter, mangyaring mag-apply mula sa reservation page.
● Guidebook na nakasulat sa iba’t ibang wika
Mayroon din guidebook para sa pagpasok sa Mataas na Paaralan o Senior High School.
Maaaring mag-download sa website.
https://me-net.or.jp/service/guidebook/
●Tagapag-organisa
Kanagawa Prefectural Board of Education+ NPO Tabunka Kyōsei Kyōiku Network Kanagawa (ME-net)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
