配信日
2025年08月15日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-13]【Mag-ingat sa mga Aksidente sa Tubig 】
Ang ilog ay isang masayang lugar, ngunit tandaan na may panahon na ito ay nagiging mapanganib.
Siguraduhin na ligtas kapag maglalaro sa ilog sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa lagay ng panahon at daloy ng tubig.
Kadalasang may karatula sa tabi ng ilog na may tagubilin tungkol sa mga babala sa paglalaro sa ilog. Mangyaring basahin ito bago maglaro.

Mga Palatuntunan sa Paglalaro sa Ilog
・Dahil hinaharap mo ay kalikasan, kaya’t palaging mag-ingat at protektahan ang sarili.
・Siguraduhing may kasama at palaging magbigay-pansin upang ligtas ang bawa’t isa.
・Bago maglaro sa ilog, magmasid muna tungkol sa kalagayan ng lugar at habang naglalaro ay patuloy na obserbahan ang lagay ng panahon at agos ng ilog.
・Magsuot ng life jacket nang maayos.
・Magsuot ng damit na pwedeng mabasa at madaling matuyo.
・Magsuot ng sapatos na hindi madaling matanggal kahit na mabasa tulad ng water shoes at iba pa. Ang tsinelas o flip flops ay mapanganib dahil madali itong matanggal.

Lumikas agad kapag nangyayari ang mga sumusunod (Dahil mapanganib ang mga ganitong sitwasyon at maaaring biglang tumaas ang tubig sa ilog):
・Kapag may maitim na ulap sa langit sa direksyon ng pinanggagalingan ng daloy ng tubig
・Kapag may nadadalang mga dahon, sanga o punong-kahoy, at mga basura sa agos ng tubig
・Kapag nag-umpisang umulan
・Kapag may narinig na kulog

Huwag na huwag sumilong sa ilalim ng tulay kapag umuulan!


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ