配信日
2025年03月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-40]【Paraan ng Pagtatapon ng Sodai-gomi o Malalaking Basura】
Ang mga malalaking basura tulad ng microwave oven, rice cooker, mesa, drawers, kama,
bisikleta, at iba pa ay tinatawag na sodai-gomi.

Hindi maaaring itapon ang sodai-gomi kasama ng regular na basura.
May babayaran kapag magtatapon ng sodai-gomi.

Mayroong dalawang paraan ng pagtatapon ng sodai-gomi: maaaring hilingin na kunin sa malapit
sa inyong bahay, o maaari ring dalhin mismo sa lugar ng koleksyon ng basura.
Maaaring mag-rehistro sa website o tumawag sa telepono.
Para sa mga detalye, mangyaring magtanong sa opisina ng inyong lokal na pamahalaan.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ