- 配信日
- 2026年01月21日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT25-28]【Para sa mga pamilyang may mga anak na nasa ikatlong taon ng junior high school: tungkol sa entrance exam sa senior high school】
-
Ang pagsusulit upang makapasok sa senior high school ay gaganapin sa Pebrero.
Upang makakuha ng entrance exam, kailangang mag-apply online.
Ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong junior high school ay mag-aapply mula sa kanilang paaralang pinapasukan, sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa “Internet Application System”.
2025年度のスケジュールです。Ang sumusunod ay ang iskedyul para sa kasalukuyang school year:
Panahon ng aplikasyon (sa internet application system): Enero 23 (Biyernes) hanggang Enero 29 (Biyernes), 2026
Pagbabago sa aplikasyon (sa internet application system): ika-4 ng Pebrero (Miyerkules) hanggang ika-6 ng Pebrero (Biyernes)
Entrance exam: ika-17 ng Pebrero
Anunsyo ng resulta (sa internet application system): ika-27 ng Pebrero (Biyernes)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paraan ng aplikasyon at entrance exam, mangyaring magtanong sa inyong guro sa paaralan.
Mayroon ding mga guidebook na nakasulat sa iba’t-ibang wika, tungkol sa pagpasok sa pampublikong paaralan.
Mangyaring tingnan dito para sa mga detalye.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/dc4/nyusen/nyusen/nihongobogo.html
(10 wika: Ingles, Chinese, Espanyol, Portuges, Tagalog, South at North Korean, Thai, Khmer, Nepali, at Vietnamese)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
