配信日
2025年04月17日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-3]【Maraming sunog sa tagsibol!?】
Ang tagsibol (Marso, Abril, Mayo) ay ang panahon na may pinakamaraming
nagaganap na sunog sa loob ng isang taon.
Ito ay dahil malakas humahangin sa panahong ito at madalas pang tuyo ang hangin.

Ang sigarilyo, heater, kalan, atbp. na pang-araw-araw na gamit ay maaaring
magdulot ng sunog.
Ikaw ba ay nag-iingat araw-araw?
Subukang suriin ang mga sumusunod.

・Huwag manigarilyo kapag matutulog.
・Huwag ilagay ang heater malapit sa mga bagay na madaling masunog
(mga kurtina at mga labada).
・Huwag iwanan ang kalan habang ito ay nakasindi.

Mahalaga rin na pag-isipan kung ano ang gagawin kung sakaling magka-sunog.
Mangyaring gamitin ang pagkakataong ito upang talakayin sa inyong pamilya
at mga kaibigan ang tungkol sa sunog.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ