配信日
2025年10月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-19]【Pandagdag na Scholarship (Supplemental Scholarship Fund) para sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan sa Prepektura ng Kanagawa】
Ang pandagdag na iskolarship para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan, atbp. ay benepisyo na maaaring gamitin para sa mga gastusin sa edukasyon maliban sa bayad sa tuition.
Hindi ito kailangang bayaran o isauli.

Mga maaaring mag-apply (mga sambahayan na nakakatugon sa lahat ng sumusunod na kondisyon)
●Ang magulang o guardian ay may address sa Kanagawa Prefecture.
●Ang sambahayan ay tumatanggap ng tulong mula sa welfare (seikatsu-hogo) o exempted sa pagbabayad ng buwis sa kita (income tax).
●Ang eligible na mag-aaral ay dapat na naka-enroll sa isang High School, atbp.

Deadline ng aplikasyon:Lunes, ika-15 ng Disyembre, 2025

Para sa gabay na nakasulat sa iba’t-ibang wika, mangyaring tingnan dito.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/index.html

Iba ang proseso ng aplikasyon sa mga nag-aaral sa pribadong high school.
Ang aplikasyon ay dapat idaan sa paaralan kaya’t mangyaring makipag-ugnayan sa paaralan.
Ang deadline ng aplikasyon ay sa Biyernes, ika-14 ng Nobyembre, 2025.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/v3e/jyosei/gakuhisien/syougakukyuuhukinn.html

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ