配信日
2026年01月06日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-26]【Manigong Bagong Taon!】
Manigong Bagong Taon!
Sa Japan, ang taong ito (2026) ay tinatawag na Ika-8 Taon ng Reiwa.
Mula unang araw ng Enero hanggang mga ika-7 ng Enero ay tinatawag na “Panahon ng Bagong Taon”.

Sa Japan, ang mga tao ay kumakain ng mga espesyal na pagkain at bumibisita sa mga Shinto shrine sa panahon ng Bagong Taon.
Anu-ano ang mga ginawa ninyo ngayong Bagong Taon?

Sa taglamig, masyadong tuyo ang hangin.
Narito ang mga maaaring gawin upang maiwasang magkasakit sa panahong ito.

・Madalas na uminom ng tubig
・Maglagay ng isang tasa na may tubig
・Magsampay ng basang tuwalya sa loob ng kuwarto
・Magpalit ng hangin paminsan-minsan

Lalong lalamig ang panahon mula ngayon.
Mag-ingat kayo mabuti para hindi magkasakit.
Nawa’y maging masaya ang taong ito para sa inyong lahat.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ