配信日
2026年01月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-27]【Mag-ingat sa online shopping】
Ang online shopping ay napaka-conveniente.
Gayunpaman, may mga pagkakataong nagkakaproblema sa online shopping, tulad ng hindi pagdating ng item o kaya’y dumating man ay peke.

Tiyaking mabuti na mapagkakatiwalaan ang sites at siguraduhin na tunay ang ads na nakita sa social media bago bumili.
Mangyaring mag-ingat lalo sa mga sumusunod:

・Masyadong mura ang item
・Malabo ang impormasyon tungkol sa produkto at tindahan o seller
・Hindi maganda ang karanasan ng mga bumili ayon sa mga review

Maari humingi ng payo kung mayroon kayong problema sa pamimili.
Numero sa Telepono ng Consumer Affairs Consultation Center: 188
Ang konsultasyon ay sa wikang Hapon lamang. Kung kailangan ng interpreter, mangyaring tumawag sa Gabay sa Iba’t-ibang Wika sa Kanagawa.
Walang bayad ang konsultasyon.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ