- 配信日
- 2015年03月02日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT14-52]Konsultasyon kapag may problema Yorisoi Hotline
-
Namamahala: Social Inclusion Support Center
Ang Social Inclusion Support Center ay nagbibigay ng tulong sa paghahanap ng paraan sa paglutas ng mga suliranin tungkol sa pamumuhay, trabaho, tirahan, pag-iisip, pamilya, pinansyal, karamdaman, kapansanan, krimen, karahasan o DV, anak, edukasyon, pakikipag-ugnay sa kapawa, batas at iba pa.
Free dial:0120-279-338
Libre ang pagtawag sa telepono anumang oras. Maaari rin na kumonsulta ano mang oras (maaring kumonsulta sa banyagang wika mula 10:00~22:00). Para sa hindi marunong ng wikang Hapon, mangyaring pindutin ang [2] ayon sa maririnig na automatic guidance.
[Konsultasyon sa ibang wika]
Ingles, Intsik, Koreyano, Koreyano (North), Tagalog, Thai, Espanyol, Portuges, Viet, Nepali
※Maaring kumonsulta sa wikang hindi nakatala sa itaas. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan.
Mangyaring tingnan sa Facebook ang listahan ng araw at oras ng bawat wika.
https://www.facebook.com/yorisoi2foreigners
(Website)
http://279338.jp/yorisoi/foreign/
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
