- 配信日
- 2015年05月11日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT15-7]Training para sa Pagtatrabaho ng Dayuhan,
-
May mga klase o pagsasanay/training sa Wikang Hapon upang magagamit sa trabaho. May klaseng panghapon at panggabi. Mangyaring mag-aplay sa Hello Work.
■Nilalaman ng Pagsasanay:
・Pag-aaral ng Wikang Hapon
・Mga pamamaraan ng pagtatrabaho sa Japan, paraan ng interbyu at paggawa o pagsulat ng resume.
・Kalagayan ng pagtatrabaho sa Japan, panayam tungkol sa batas. Mayroon din study tour o paglibot sa mga lugar ng pagtatrabahuan, atbp.
■Nararapat:
・Mga taong naglalayong magkaroon ng matatag na trabaho sa Japan
・Nagtataglay ng visa bilang [asawa ng Hapones] [permanent visa] [asawa ng permanent resident] at [long-term visa].
■Gastos: Libre (sariling pagbayad ng pamasahe)
■Mga klase sa prepektura ng Kanagawa at sanggunian: (Maaring makipag-ugnay mula Lunes~Biyernes, 9:30~18:00)
・Yokohama, Kawasaki, Yamato: Meire Kochi (080-5903-4248)
・Atsugi, Aikawa, Matsudachou: Marcia Yakuwa(080-5957-2631)
・Hiratsuka: Cecilia Akamine (080-4105-1527)
・Yokohama(a.m.):Angie Oshiro (080-4105-1513)
■Mangyaring tingnan ang website upang malaman ang karagdagang impormasyon.
http://sv2.jice.org/jigyou/tabunka_jisshi.htm
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
