- 配信日
- 2015年08月10日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT15-26]Mag-ingat sa pagpunta sa dagat, ilog at bundok
-
Huwag pabayaan maglaro ang mga bata na walang bantay sa dagat, ilog at bundok. Mangyaring mag-ingat sa mga sumusunod:
〈Dagat〉
□Lumangoy lamang sa pinapayagang swimming area ng dagat.
□Sa smoking area lamang manigarilyo.
□Iwasan ang maglangoy kapag nakainom ng alak o hindi maganda ang pakiramdam.
□Mangyaring huwag maglaro kapag masama ang panahon.
〈Ilog〉
□Huwag maglaro kung saan nakasulat ang babala sa panganib..
□Mag-ingat sa tabing ilog, sandbar, at kung saan makikipot ang bahagi ng ilog.
□Mag-ingat sa pagbabago ng panahon at daloy ng tubig.
〈Bundok〉
□Pumili ng pupuntahang bundok ayon sa kaalaman, lakas ng pangangatawan at karanasan.
□Mag-sumite ng plano ng pag-akyat ng bundok sa autoridad.
□Pansinin ang pagbabago ng panahon. Kapag nakaramdam ng panganib, bumalik na lamang.
□Tiyakin ang pagdala ng mobile phone na fully charged.
■Mga dalampasigan o swimming areas sa prepektura ng Kanagawa(Hapon)
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f6464/p814110.html
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
