- 配信日
- 2012年07月20日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT12-16]Mag-ingat sa Heat stroke
-
Mag-ingat sa Heat stroke kapag nagtatrabaho o nag-eehersisyo sa mainit na lugar.
Ang mga sintomas ng Heat Stroke ay ang pagtaas ang temperatura ng katawan, panghihina, pagkahilo at pagsakit ng ulo.
Kapag naging malubha, maaaring maging sanhi rin ito ng kamatayan.
<Sundin ang mga sumusunod na paalala upang maiwasan ang Heat stroke:>
■Iwasan ang pag-eehersisyo at pagtatrabaho ng matagal sa mainit na lugar.
■Uminom ng tubig o chaa bago pa man uhawin (Mas epektibo ang inuming may halong asin).
■Piliing isuot ang preskong damit.
■Kapag sumama ang pakiramdam, magpunta agad sa ospital.
■Gumamit ng sombrero o payong sa paglalakad sa labas.
■Kapag nasa loob ng bahay o kuwarto, buksan ang mga bintana o airconditioner sa tamang temperatura.
Kung may katanungan ukol sa Heat stroke, iba pang karamdaman at kalusugan, kumunsulta sa:
<(NPO) AMDA International Medical Information Center>
TEL: 03-5285-8088
■Tagalog: Miyerkules (13:00~17:00)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
