- 配信日
- 2016年01月15日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT15-55]Mag-ingat sa German measles o Rubella
-
□Ano ang German Measles o Rubella?
Ang mga pangunahing sintomas ng rubella ay ang pagkakaroon ng lagnat, pantal (pagkakaroon ng pulang spots sa balat), pamamaga ng kulani o lymph nodes. Nakakahawa ito. Ito ay maaaring makahawa habang wala pang pantal at 1 linggo mula na magkapantal.
□Higit na mag-ingat ang mga kababaihang na kasalukuyang nagdadalang-tao o buntis.
Kapag naimpeksyon ng rubella ang isang nagdadalang-tao, maaring magkaroon ng diperensya sa pandinig o magkaroon ng sakit sa puso ang sanggol. Kailangang higit na mag-ingat na hindi mahawahan ang mga nagdadalang-tao.
Ang mga nagdadalang-tao ay hindi maaring tumanggap ng bakuna ng rubella. Mangyaring magpa-bakuna bago pang mangyari ang pagbubuntis.
□Paraan upang makaiwas sa Rubella:
Upang makaiwas magka-rubella, kailangan magpa-bakuna. Mayroong tulong na pananalapi para sa pagpapa-bakuna.
Para sa mga nais magpa-bakuna, mangyaring magpunta sa malapit na pediyatrisyan o lokal na tanggapan ng pamahalaan.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
