- 配信日
- 2012年08月02日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT12-19]Konsultasyon sa Paghahanap ng Trabaho bilang Caregiver, Interbyu at Japanese Language Classrooms
-
【Konsultasyon sa Paghahanap ng Trabaho at Interbyu para sa mga Dayuhan】
Konsultasyon sa Paghahanap ng Trabaho bilang Home Helper at Caregiver sa prepektura ng Kanagawa.
Maaaring magpa-interbyu, makausap ang staff ng personal at makita ang pasilidad
■Petsa: Agosto 4 (Sabado)
■Oras: 10:00-14:00 ※Maaaring pumasok o lumabas kahit anong oras.
(Maaaring kumonsulta sa mga dayuhang kasalukuyang nagtatrabaho bilang caregiver staff sa pagitan ng 12:00-13:00)
■Lugar: Yumeooka Office Tower 5F (3 minutong lakad mula sa Kamiooka station ( Keihin Line o Yokohama Municipal Subway Line)
■Mayroong tagasalin ng wika ng Ingles, Tsino, Espanyol, at Portuges.
■Katanungan: YOKOHAMA-SHI FUKUSHI JIGYOU KEIEISHA-KAI
TEL: 045-846-4649
■Homepage(sa wikang Hapones)
http://www.y-hukushijigyo.or.jp/
【Japanese Language Courses para sa mga Dayuhan】
Pag-aaral ng wikang Hapones na pangunahing ginagamit sa trabaho bilang caregiver at wastong paggamit ng wika.
■Petsa: Agosto 25 (Sabado)-Marso 2 (Sabado) / Sabado: isang beses , 3 oras (Kabuuan: 20 beses)
■Lugar: Yokohama Kokusai Fukushi Senmon Gakkou (12 minutong lakad mula Tokai Ichiba station : JR Yokohama Line)
■Kapasidad: 20 katao (First come, first served basis)
■Gastos: Walang Bayad
■Paano mag-aplay: Ipadala sa pamamagitan ng FAX ang pangalan at impormasyon ng pagkontak (telepono o e-mail). Makakatanggap ng sagot mula sa Yokohama Kokusai Fukushi Senmon Gakkou.
■Mag-aplay at Magtanong sa: Yokohama Kokusai Fukushi Senmon Gakkou
Email: info@yicsw.ac.jp FAX: 045-972-3294
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
