- 配信日
- 2017年05月25日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT17-9]Colored Contact Lens
-
Ang colored contact lens ay itinakda sa batas ng Pharmaceuticals and Medical Devices Agency bilang isang specially controlled medical device. Napakahalaga ang tamang paggamit at pangangalaga ng lens na ito.
□Pag-iingat bago gumamit
・Magpatingin sa optalmologo bago bumili. Maaring hindi pwedeng gumamit nito dahil sa panunuyo ng mata, alerdyi o sakit sa mata.
・Bilhin ang produktong aprobado ng Ministry of Health、Labour and Welfare. May nakasulat na “specially controlled medical device” sa kahon ng aprobadong produkto.
□Babala sa paggamit
・Sundin ang iminungkahing panahon ng pagsusuot.
・Kumunsulta agad sa manggagamot kapag nakaramdam ng kakaiba sa inyong mga mata.
・Huwag magpahiram o gumamit ng contact lens ng iba, maaring maging sanhi ito ng pagkahawa ng sakit o impeksiyon.
・Madaling kapitan ng dumi ang paulit-ulit na paggamit ng contact lens. Linisan nang wasto ang lens.
□Wastong paggamit ng colored contact lens (Nihongo)
http://www.pmda.go.jp/eyecare/index.html
Pharmaceuticals and Medical Devices Agency(PMDA)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
