- 配信日
- 2017年10月04日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT17-28]Pagbubuntis, Panganganak at Pangangalaga ng Bata
-
Ang panganganak at pangangalaga ng bata ay isa sa mga napakalaking kaganapan sa buhay. Para sa kapakanan ng ipapanganak na bata, nararapat na magkaroon ng kanais-nais na kapaligiran sa panahon ng pagbubuntis at panganganak.
Magbigay kaagad ng abiso sa tanggapan ng lungsod o munisipyo kapag nalaman ang pagbubuntis.
Sa Japan, makakatanggap ng “Mother and Child Health Handbook” ang mga buntis. Mayroon din mga klase na nagtuturo ng mga nararapat malaman, kakayahan o pamamaraan tungkol sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata.
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring suriin ang sumusunod.
□Childcare Chart para sa mga dayuhang residente.
Magbibigay-alam tungkol sa panganganak at pangangalaga ng bata para sa mga dayuhan.
Wika: Intsik, Tagalog, Portuges, Espanyol, Vietnamese, Ingles
http://www.kifjp.org/child/
Kanagawa International Foundation
Mangyaring kumonsulta kapag nagkaroon ng suliranin.
□Multilingual Navigation Service Kanagawa
TEL:045-316-2770
Lunes-Biyernes (※maliban pista opisyal) 9:00-12:00/13:00-17:15
Wika: Ingles, Intsik, Tagalog, Vietnamese, Espanyol, Wikang Hapong madaling maintindihan
http://www.kifjp.org/kmlc
Kanagawa International Foundation
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
