- 配信日
- 2012年10月19日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT12-29]Pamamaraan para sa Pagpasok sa Elementarya sa Japan
-
Ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2006 hanggang Abril 1, 2007 ay maaaring makapasok sa elementarya sa pasukan mula Abril, 2013.
Sa buwan ng Setyembre, makakatanggap ng [Gabay sa Pagpasok sa Elementarya] sa pamamagitan ng korreo ang mga tahanan kung saan mayroong batang dayuhan.
Mangyaring magpunta sa ward office o munisipyo upang maisagawa ang nararapat na proseso.
Para sa mga tahanan ng mga anak na Hapones, makakatanggap ng [School entrance notification] sa pamamagitan ng korreo sa buwan ng Oktubre, at hindi na kailangan isagawa ang anumang proseso.
Bago magpasukan, mayroong pagsusuri ng kalusugan at orientation na gaganapin sa paaralan ng elementarya, mangyari lamang na tiyakin ang petsa kung kailan ito isasagawa.
Ang Multilingual Guidebook na naglalarawan ng sistema ng edukasyon at pamamaraan ng pagpasok sa paaralan sa Japan, sa iba’t-ibang wika ay matatagpuan sa website ng MEXT (Ministry of Education, Culture, Science and Sports).
http://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/clarinet/003/1320860.htm
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
