- 配信日
- 2020年09月18日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT20-21]【Para sa mga Nais Pumasok sa Mataas na Paaralan】
-
Pabatid para sa mga nais pumasok sa pampublikong mataas na paaralan sa prepektura ng Kanagawa sa taong 2021.
Lumabas na ang "Guidebook sa Pagpasok sa Mataas na Paaralang Pampubliko ng Kanagawa Prefecture" na nakasalin sa 10 wika.
Kung wala pang kopya nito, maaring i-download ito sa sumusunod na website:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/dc4/nyusen/nyusen/nihongobogo.html?fbclid=IwAR0iBP_4dLEVJf3CH0jHclcRCa8V2IzUJtZAqwP4YX0J_4ypYjgK0uBbDDU
Ang "Gabay sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan para sa mga mag-aaral na hindi wikang Hapon ang katutubong wika" na taunang isinasagawa ay hindi gaganapin sa taong ito.
Subalit, ang impormasyon tungkol sa pagsusulit sa pagpasok sa mataas na paaralan ay mababasa sa sumusunod na website na nakasalin sa 11 wika:
http://me-net.or.jp/guidance/multilingual/?lang=tl
Ang impormasyong sa website na ito ay hatid ng Kanagawa Prefectural Board of Education at Multicultural Education Network Kanagawa (ME-net)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
