配信日
2021年09月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-20]【Mga Benepisyo para sa Solong Magulang】
Pagbibigay-alam ng mga benepisyo para sa mga solong magulang o single parent na mababa ang kita.
Ang benepisyong ito ay ibinibigay bilang suporta sa mga solong magulang na naaangkop sa mga sumusunod na batayan.
1.Mga magulang na nakatanggap ng “Jidou Fuyou Teate (Child-rearing Allowance)” para sa buwan ng Abril.
2.Mga magulang na hindi nakatanggap ng “Jidou Fuyou Teate (Child-rearing Allowance)” dahil sa pagtanggap ng pensiyon pampubliko o iba pang benepisyong pampinansiyal.
3.Mga magulang na bumaba ang kita dahil sa epekto ng COVID-19 pandemia, sa kasing-antas ng mga tumatanggap ng “Jidou Fuyou Teate (Child-rearing Allowance)”.
Ang matatanggap ng bawat bata ay \50,000.
May nakatakdang halaga ng kita na pagbabatayan.
Ang mga magulang na naaangkop sa ②③ ay kailangang mag-apply.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng inyong lokal na pamahalaan.
https://www.mhlw.go.jp/content/11920000/000779329.pdf 

Kung mayroong anumang katanungan, mangyaring tumawag sa “Kanagawa Multilingual Support Center” 045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/tag/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ