- 配信日
- 2022年01月17日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT21-36]【Tungkol sa ikatlong bakuna laban sa COVID-19】
-
Nagsimula na ang ikatlong pagbabakuna o booster laban sa COVID-19 sa Japan.
Ang mga maaari nang magpa-booster ay kailangang tumutugon sa lahat ng kalagayan na sumusunod:
・Mga taong nakalipas na ng 8 buwan o higit pa mula sa ikalawang pagpabakuna.
・Mga taong mahigit sa 18 taong gulang.
・Mga taong nakatapos na ng una at ikalawang pagpapabakuna sa Japan.
※Ang mga taong nagpabakuna ng 2 beses sa ibang bansa ay maaring mapabilang sa mga nararapat, kung ang bakunang natanggap ay alinman sa naaprubahan ng regulasyon sa Japan, tulad ng Pfizer, Moderna at Astra Zeneca.
●Mga pamamaraan sa pagpabakuna
1. Makatatanggap ng “voucher sa pagpabakuna” at “abiso ng ikatlong pagpabakuna laban sa COVID-19” mula sa munisipalidad o lungsod.
※Ang iskedyul ng pagpadala ng “voucher sa pagpabakuna” at petsa o panahon ng pagsisimula ng pagtanggap ng reserbasyon ay magka-iba, depende sa munisipalidad o lungsod.
2. Maghanap ng medikal na institusyon o lugar ng pagpabakuna at magpa-reserba sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o online.
3. Sa pagpabakuna, siguraduhing dalhin ang lahat ng nilalaman ng sobre na ipinadala ng munisipalidad at mga dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan (“My Number Card”, lisensya sa pagmamaneho/ driver’s license, segurong pangkalusugan/ health insurance card, atbp.).
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
