- 配信日
- 2013年02月05日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT12-49]Mag-ingat sa lumalaganap na Influenza
-
Laganap ang Influenza sa buwan ng Pebrero.
Madaling makapitan ng sakit na ito ang mga sanggol at matatanda at maaaring maging malubha ang kanilang kalagayan. Mangyari lamang na pag-ingatan ang mga sanggol at mga matatanda.
Upang makaiwas sa influenza, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
・Hugasan ng mabuti ang kamay at magmumog pag uwi sa bahay pagkagaling sa labas.
・Matulog ng sapat at kumain ng balanseng nutrisyon.
・Magsuot ng mask lalo na sa mga lugar na maraming tao.
・Kapag sakaling akala ninyo ay nahawaan kayo ng influenza, magsuot ng mask at magpunta kaagad sa hospital o medikal na institusyon at huwag muna lumabas ng bahay.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
