配信日
2022年09月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-20]【Nadagdagan ang bilang ng wika para sa “Multilingual Medical Questionnaire”】
Alam mo ba ang “Multilingual Medical Questionnaire”?
Kapag nagpapaliwanag ng mga sintomas ng karamdaman o pinsala sa doctor sa isang Japanese hospital, maaaring gamitin ang questionnaire na nakasalin sa iba’t ibang wika.
Maaari itong i-download nang libre mula sa website.
Ang questionnaire ay nahahati sa 11 paksa tulad ng internal medicine, surgery, atbp.
Maaring piliin kung aling questionnaire ang dapat gamitin mula sa mga sintomas.
Mangyaring gamitin ito.
https://kifjp.org/medical/

●Nadagdagan na ang mga bagong wika sa questionnaire!
Tamil, Sinhala, Ukranian, Burmese, Mongolian

●Mayroong mga tagasalin-wika para sa mga nangangailangan ng tagasalin-wika sa ospital
Para sa mga detalye, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t-ibang Wika sa Kanagawa”.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ