- 配信日
- 2013年03月27日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT12-56]Suporta sa Pag-aaral (School Aid)
-
Ito ay isang programang nagbibigay ng suportang pananalapi sa mga mag-aaral sa elementarya at junior high school para sa gastos sa school lunch o kyuushoku, mga pangangailangan sa pag-aaral, field trip at iba pang pangangailangan sa paaralan. Ang pagtanggap ng suportang ito ay binabatay sa kita ng aplikante. Maaaring makakuha ng gabay at application form sa pinapasukang paaralan.
<Reference>
■Gabay sa Pagpasok sa Paaralan para sa mga Banyagang Mag-aaral (MEXT)
Ito ay isang guidebook o gabay na naglalarawan ng pamumuhay sa paaralan sa Japan.
・Tagalog
http://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/clarinet/003/001/012.pdf
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
