- 配信日
- 2024年01月24日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT23-31]【Para sa mga Empleyadong Buntis, Nanganak, at Nagpapalaki ng Bata】
-
Ipinagbabawal sa batas and pagtanggal ng isang empleyado sa dahilan ng pagbubuntis.
Hindi maaring gawin ng mga kumpanya ang mga sumusunod na bagay batay sa pagbubuntis, panganganak, o pagkuha ng childcare leave:
・pagtatanggal sa trabaho
・hindi ire-renew ang residence permit
・pagbabawas ng sahod
Mangyaring tumawag sa consultation desk kapag sinabihan kayo ng iyong kumpanya na “Bumitiw ka na sa trabaho” o “Babawasan ka ng sahod” dahil sa inyong pagbubuntis. Ang numero ng telepono ay nakalista sa leaflet na ginawa ng Ministry of Health, Labor and Welfare.
Nakasulat din sa leaflet ang impormasyon sa mga sistema na maaaring gamitin ng mga buntis, nanganak, o nagpapalaki ng bata.
Mangyaring suriin ang mga sistema na mapapakinabangan ninyo.
Leaflet:
https://www.mhlw.go.jp/content/001069396.pdf
Asa mga nangangailanan ng interpreter sa pagkonsulta, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t-Ibang Wika sa Kanagawa”. Tutulungan kayo nang walang bayad.
Gabay sa Iba’t-Ibang Wika sa Kanagawa:
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
