配信日
2024年06月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-10]【Para sa mga Nag-aalaga ng Aso】
Halos 70 taon nang walang outbreak ng rabies sa Japan. Gayunpaman, may posibilidad na ang rabies ay makapasok mula sa ibang bansa.
Ang rabies ay isang nakakatakot na sakit na halos 100% na nakamamatay sa tao at aso dahil wala itong lunas.

Sa Japan, batay sa Rabies Prevention Act, ang inyong alagang aso ay kailangang iparehistro sa munisipyo ng inyong tinitirahan, at pabakunahan laban sa rabies bawat taon. Kapag lalabag dito ay papatawan ng hanggang 200,000 yen na multa.

Kapag nag-aalaga ka ng aso, mangyaring iparehistro ito sa munisipyo at pabakunahan laban sa rabies.
Maaaring makapagpabakunahan ang inyong alagang aso laban sa rabies sa “mass vaccination” na isinasagawa ng bawat munisipalidad sa mga community center, tanggapan ng gobyerno, at iba pang takdang lugar, o maaari ring sa lokal na beterinaryo na inyong pinupuntahan. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa inyong munisipyo.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ