- 配信日
- 2024年07月22日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT24-12]【Huwag Iwanan ang Bata sa Loob ng Kotse!】
-
Sa Japan, taun-taon nagkakaroon ng mga kaso ng pagkamatay ng mga bata dahil sa heatstroke, gawa ng iniwan sila sa loob ng kotse.
Lubhang mapanganib ang pag-iwan ng bata sa loob ng kotse na walang kasama, kahit sandali lamang.
Lalo na sa araw, maaaring lumampas sa 50 °C ang temperatura sa loob ng kotse. Pagkalipas ng 5-minuto mula hininto ang makina, tataas ng humigit kumulang 5°C, at pagkatapos lumipas pa ng 15-minuto, ang heatstroke index na isang tagapagpahiwatig ng heatstroke, ay sinasabing aabot sa mapanganib na antas.
Ang pag-iwan ng bata sa kotse ay child abuse!
Huwag na huwag gawin ito.
Kapag nakakita ng bata na iniwan sa loob ng kotse, mangyaring tumawag agad sa police.
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta
-
