配信日
2024年08月29日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-18]【Klase Para Pag-aralan ang Wikang Hapon na Kailangan sa Trabaho】
Magsisimula ang klase kung saan maaaring mag-aral ng wikang Hapon na kailangan sa pagtatrabaho sa Japan at para din magkakaroon ng mahahalagang kaalaman at impormasyon.
Ito ay libre.
Para sa iskedyul at paraan ng pag-apply, mangyaring tingnan sa sumusunod na link.
https://www.jice.org/tabunka/recruit/ 

●Mga pag-aaralan
・Wikang Hapon na ginagamit sa paghahanap ng trabaho o habang nagtatrabaho
・Mga tuntunin sa trabaho
・Bibisitahin ang ilang mga kumpanya at pabrika sa Japan
・Paraan ng paghahanap ng trabaho sa Hello Work, atbp.

●Ang mga makakasali sa kurso
・Mga taong naghahanap ng trabaho sa Japan
・Mga taong walang trabaho dahil kulang ang kakayahan sa wikang Hapon
・Mga taong gustong gumaling sa wikang Hapon at nais na magtrabaho sa Japan ng mahabang panahon
・Mga dayuhang naninirahan sa Japan na may status ng visa na “permanent resident”, “spouse of Japanese national”, “spouse of permanent resident”, o “long term resident”
Para sa mga may ibang visa, mangyaring magtanong sa Hello Work sa panahon ng pag-aapply )
*Mayroong pagsusuri ng iyong antas ng wikang Hapon.

●Paraan ng pag-aapply
Mag-apply sa Hello Work na malapit sa inyong tinitirahan.
▶Mga opisina ng Hello Work sa Prepektura ng Kanagawa: https://jsite.mhlw.go.jp/kanagawa-hellowork/list.html (Wikang Hapon)
▶Mga Hello Work sa Prepektura ng Kanagawa na may interpreter depende sa araw:
https://jsite.mhlw.go.jp/kanagawa-roudoukyoku/madoguchi_annai/soudanmadoguchi/_95955/gaikokujin.html

●Mga kinakailangang bagay sa pag-aapply
ID photo na nagpapakita ng mukha ng mag-aapply (4cm x 3cm), residence card o passport

●Mapagtatanungan
Sentro ng Pandaigdigang Kooperasyon ng Japan (Japan International Cooperation Center/JICE)03-6838-2723


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ