配信日
2025年06月02日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-5]【Rebisyon ng Tsart ng Pangangalaga ng Bata】
Ang “Tsart ng Pangangalaga ng Bata Para sa mga Dayuhan” ay nirerebiso tuwing may pagbabago sa mga batas at sistema.

1 STEP1 ② Matapos kumpirmahin ng doktor ang tibok ng puso ng nabubuong sanggol, magpasa ng “Pabatid ng Pagbubuntis” (NINSHIN TODOKE) sa Munisipyo ng tinitirahan, at humingi ng “Talaan ng Kalusugan ng Ina at Sanggol”(BOSHI TECHO).
2 STEP2 ⑧ Ang Sustento para sa Bata [JIDOU-TEATE] ay ipagkakaloob sa magulang na nakatira sa Japan, hanggang matapos ang kanilang anak sa High School. Kinakailangang magsumite taon-taon ng “Pagbigay-alam ng Kasalukuyang Kalagayan” (GENKYOU TODOKE)para makapagpatuloy pa ring tanggapin itong sustento sa susunod na taon.

May mga paliwanag dito para sa mga dayuhan na manganganak, o nagpapalaki ng bata sa Japan, hinggil sa mga proseso na ilalakad mula sa panahon ng pagbubuntis, panganganak, at hanggang sa pagpasok sa elementarya. Mangyaring ipakita ito sa sinumang nangangailangan.

https://www.kifjp.org/child/tag/chart

**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ